Sinusuri ng Independent Assessor ang mga reklamo tungkol sa pamantayan sa serbisyo ng AFCA at nagtatrabaho nang hiwalay sa proseso ng mga panloob na reklamo ng AFCA. Ang Independent Assessor ay walang kapangyarihan na suriin ang mga merito o kahalagahan ng isang desisyon ng AFCA tungkol sa isang reklamo ukol sa kompanya ng pananalapi.

Kapag nasuri at natasa na ng Independent Assessor ang isang reklamo tungkol sa serbisyo ng AFCA, hindi posibleng mag-apela laban sa kanyang mga natuklasan o rekomendasyon.

Sino ang Independiyenteng Tagatasa (Independent Assessor)?

Ang Independent Assessor ay itinalaga ng AFCA Board, at nag-uulat sa AFCA Board at nagtatrabaho alinsunod sa mga Tuntunin na Sanggunian ng Independent Assessor. Ang Independent Assessor ay hindi bahagi ng pang-araw-araw na pagpapatakbo ng AFCA at hindi mananagot sa senior management o Chief Ombudsman ng AFCA.

Ang kasalukuyang Independent Assessor ng AFCA ay si Melissa Dwyer. Si Melissa ay may mahigit na 20 taon na karanasan sa trabaho bilang isang senior executive sa pribado, pampubliko at hindi pinagkakakitaang mga sektor, nagpakadalubhasa sa pamamahala, panloob na audit (internal audit) at reporma sa integridad (integrity reform). Siya ang Chief Audit Executive ng Victorian Department of Education and Training at nagplano at nagpaandar ng programa sa pagrereporma ng integridad kasunod ng mga imbestigasyon ng Independent Broad-based Anti-corruption Commission (IBAC).

Sino ang maaaring magreklamo sa Independent Assessor?

Ang sinumang tao o negosyo na direktang apektado kung paano tinutugunan ng AFCA ang isang reklamo sa kompanya ng pananalapi ay maaaring magreklamo sa Independent Assessor, kabilang ang:

  • mga nagrereklamo
  • mga kompanya ng pananalapi
  • mga kinatawan
  • mga magkasanib na partido.

Mga reklamo na maaaring tasahin ng Independent Assessor

Maaaring tasahin ng Independent Assessor ang mga reklamo tungkol sa pamantayan ng serbisyong ibinibigay ng AFCA sa paghawak ng reklamo, kabilang, ngunit hindi limitado sa mga reklamo tungkol sa:

  • propesyonalismo, kakayahan at pag-uugali ng mga tauhan
  • komunikasyon
  • pagiging patas at walang kinikilingan
  • pagiging napapanahon
  • pagsunod sa proseso ng AFCA.

Mga reklamo na hindi maaaring isaalang-alang ng Independent Assessor

Hindi maaaring isaalang-alang ng Independent Assessor ang mga reklamo tungkol sa:

  • mga aksyon o hindi pag-aksyon ng isang kompanya ng pananalapi o isang nagrereklamo
  • mga desisyon o mga natuklasan ng AFCA, kabilang ang mga paunang pagtatasa, mga pagpapasya at mga desisyon sa hurisdiksyon
  • paghawak ng AFCA sa isang pangkabuuan na problema (systemic)
  • mga halagang sinisingiil ng AFCA sa mga kompanya ng pananalapi.

Hindi mababago ng Independent Assessor ang kinalabasan ng isang desisyon ng AFCA

Hindi maaaring baguhin o bawiin ng Independent Assessor ang isang pagpapasya ng AFCA o panghurisdiksyong desisyon sa isang reklamo ukol sa kompanya ng pananalapi. Ito ay hindi isang apela o isang mekanismo ng pagrepaso para sa isang desisyon o mga paghahatol sa mga katotohanan o merito ng isang reklamo ukol sa kompanya ng pananalapi.

Mga kalalabasan na maibibigay ng Independent Assessor

Kung malaman ng Independent Assessor na ang AFCA ay hindi nakakatugon sa mga pamantayan ng serbisyo nito sa paghawak ng iyong reklamo, maaari siyang gumawa ng rekomendasyon sa Chief Ombudsman ng AFCA, tulad ng:

  • na magpapaumanhin ang AFCA para sa hindi naging magandang serbisyo
  • na magbabayad ang AFCA ng halaga ng kompensasyong hindi pinansyal (non-financial compensation) para sa anumang pagkabalisa o abalang naidulot ng hindi magandang serbisyo
  • na gagawa ang AFCA ng iba pang aksyon upang mabigyang lunas ang pagkabigo ng serbisyo.

Kailan ka maaaring maghain ng reklamo sa Independent Assessor

Bago maisaalang-alang ng Independent Assessor ang isang reklamo sa serbisyo, ang mga sumusunod ay dapat ilapat:

  1. Ang iyong kaugnay na reklamo sa kompanya ng pananalapi ay sarado na (maliban kung may mga pambihirang pangyayari)
  2. Ang AFCA ay binigyan ng pagkakataong tugunan ang iyong mga alalahanin (ibig sabihin, dapat ay naisumite mo muna ang iyong reklamo sa AFCA at nakatanggap ng tugon)
  3. Wala pang tatlong buwan mula nang matanggap mo ang tugon ng AFCA sa reklamo sa serbisyo.
Sorry, we’re currently offline.

Would you like to end your chat with AFCA?

Please bear in mind that your conversation will not be saved.

AFCA chat service terms and conditions

Welcome to our live chat help service.

Please be advised we cannot provide you with financial or legal advice. However, we may be able to refer you to a community legal centre or financial counselling service if you need help.

Our live chat is operated by Genesys Cloud on behalf of AFCA. Any personal information provided in this chat will be captured by both organisations in accordance with their privacy policies, available at www.afca.org.au/privacy and www.genesys.com/company/legal/privacy-policy

Offline

We provide consumers and small businesses with fair, free and independent dispute resolution for financial complaints.

Please enter your details to start your chat with an AFCA representative.

Please enter your name
Please enter a valid email address
Please enter a valid phone number

We provide consumers and small businesses with fair, free and independent dispute resolution for financial complaints.

Welcome to our live chat help service.

An agent should be with you shortly.