Pinahahalagahan namin ang inyong feedback. Ang mga papuri, mungkahi at reklamo tungkol sa aming serbisyo ay nakakatulong sa amin para magpakahusay.

Nagsisikap kaming maghatid ng mahusay na serbisyo sa lahat ng aming mga kostumer, ngunit alam namin na kung minsan ay may mga bagay na namamali. Kung sakaling mangyari ito, ipagbigay-alam lamang sa amin.

Ipapaliwanag ng pahinang ito kung paano:

  • bigyan kami ng feedback kung paano namin pinapangasiwaan ang isang reklamo, at/o
  • maghain ng reklamo tungkol sa aming serbisyo sa kostumer.

Ang aming mga serbisyo sa pagrereklamo at pamamaraan ng feedback ay hindi sumasaklaw sa mga sitwasyon kung saan hindi ka nasisiyahan sa kinalabasan lamang ng isang reklamo sa kompanya ng pananalapi, (kabilang ang isang pangwakas na pagpapasya na ginawa namin tungkol sa isang reklamo), sa halip na kung paano kami nagbigay sa iyo ng serbisyo. Kapag naglabas ang AFCA ng pagpapasya, ito ay isang pangwakas na desisyon tungkol sa isang reklamo. Hindi ito maaaring iapela sa AFCA.

Paano ka maaaring magbigay ng feedback sa amin

Kung hindi mo kailangan ang tugon mula sa amin, ang pinakasimpleng paraan upang ibahagi ang iyong balik-puna (feedback) ay ang pagkumpleto sa online ng aming feedback form at piliin ang Papuri o Mungkahi. Maaari mo ring ibahagi ang iyong karanasan sa amin sa pamamagitan ng email, sa telepono o sa pagsulat.

Paano ka makapagrereklamo tungkol sa aming serbisyo

Kung magrereklamo ka sa amin tungkol sa serbisyong ibinigay namin sa iyo, iimbestigahan namin ito at susubukan naming lutasin ang problema nang direkta sa iyo. Ngunit kung hindi namin ito magagawa, maaaring independiyenteng suriin ng Independiyenteng Tagatasa (Independent Assessor) ng AFCA ang iyong reklamo sa serbisyo at magrekomenda kung ano ang kailangan naming gawin upang matugunan ang anumang mga problema sa serbisyo na inihain.

Para magreklamo tungkol sa aming serbisyo, maaaring:

  • Una, sabihin mo muna sa tao kung sino ang nakausap mo. Kadalasan, kung ikaw man ay isang konsyumer o isang miyembro ng kompanya ng pananalapi ng AFCA, ito ang iyong tagapamahala ng kaso (case manager). Kadalasan, magagawa nilang ayusin kaagad ang mga bagay-bagay para sa iyo.
  • Kung sa tingin mo ay hindi namin naayos ang problema para sa iyo, maaari mo ring hilingin sa isang manedyer na tingnan ang iyong reklamo sa serbisyo.
  • O kaya naman, maaari mong kumpletuhin ang aming feedback form sa online at piliin ang “Reklamo sa serbisyo tungkol sa AFCA”. Makakatanggap ka ng nakahiwalay na reference number sa loob ng ilang araw na may opisina.

Kung hindi ka sigurado kung sino ang tatawagan mo, tawagan kami sa 1800 931 678 at iuugnay ka namin sa isang taong makakatulong.

Paano namin hinaharap ang reklamo tungkol sa aming serbisyo

Kung maghahain ka ng reklamo tungkol sa aming serbisyo, iimbestigahan namin at isasaalang-alang namin ang mga alalahanin na iyong inihain at tutugunan ang mga ito.

Kung ang iyong reklamo ay nangangailangan ng karagdagang aksyon, makikipagtulungan kami sa iyo upang makahanap ng naaangkop na solusyon.

Ang mga reklamo tungkol sa aming serbisyo ay dapat ihain sa loob ng anim na buwan mula sa pagsasara ng kaugnay na reklamo sa kompanya ng pananalapi.

Anong mga problema sa serbisyo ang maaari mong ireklamo

Maaari naming isaalang-alang ang mga reklamo tungkol sa aming serbisyo, tulad ng:

  • propesyonalismo, kakayahan at pag-uugali ng mga empleyado ng AFCA
  • komunikasyon
  • pagiging patas at walang kinikilingan
  • pagiging napapanahon
  • pagsunod sa aming mga proseso.

Sino ang maaaring magreklamo

Ang konsyumer o maliit na negosyo na nagsampa sa amin ng reklamo ukol sa kompanya ng pananalapi, o sa isang kompanya ng pananalapi na miyembro ng AFCA ay maaaring magreklamo tungkol sa aming serbisyo.

Ano ang hindi namin maaaring tanggapin sa isang reklamo sa serbisyo

Hindi namin haharapin ang mga reklamo tungkol sa aming serbisyo kung tungkol lamang sa kinalabasan ng reklamo ukol sa kompanya ng pananalapi.

Halimbawa, kung:

  • nag-aalala ka na hindi namin isasaalang-alang ang iyong reklamo ukol sa kompanya ng pananalapi dahil labas ito sa aming hurisdiksyon, o
  • hindi ka nasisiyahan sa kinalabasan o nilalaman ng isang desisyon na aming ipinalabas.

Ang mga ito ay mga usapin na hindi namin maaaring isaalang-alang sa pamamagitan ng aming proseso ng mga pagrereklamo sa serbisyo.

Anong impormasyon ang dapat mong ibigay sa iyong reklamo sa serbisyo

Kapag kinukumpleto mo ang feedback form sa online tungkol sa aming serbisyo, dapat mong tukuyin kung ano iyon hangga't maaari, at magbigay ng anumang impormasyon upang suportahan ang iyong mga komento. Maaaring kasama sa impormasyon ang mga detalye ng mga email o mga pagtawag sa pagitan mo at ng isang AFCA case worker, mga dokumentong ibinigay namin sa iyo, at mga dokumentong ibinigay mo sa amin.

Anong mga kinalabasan ang maaari naming ibigay para sa isang reklamo sa serbisyo

May ilang posibleng mga kalalabasan at mga resolusyon sa isang reklamo tungkol sa aming serbisyo. Kabilang dito ang:

  • Isang paliwanag tungkol sa aming proseso at impormasyon kung paano namin pinapangasiwaan ang iyong reklamo
  • Pagtugon sa isang problemang inihain mo
  • Pagbibigay ng paumanhin kung hindi namin naabot ang aming mga pamantayan sa serbisyo
  • Isang pagbabago sa paraan ng paghawak namin sa iyong reklamo ukol sa kompanya ng pananalapi
  • Patuloy na pagsubaybay sa mga problema
  • Pagsasanay para sa aming mga tauhan
  • Ang kompensasyon para sa pagkawalang hindi pinansyal (non-financial loss) ay maaaring igawad sa naaangkop na mga pangyayari.

Ano ang maaari mong gawin kung hindi ka pa rin nasisiyahan sa kinalabasan ng iyong reklamo sa serbisyo

Kung hindi ka nasiyahan sa aming pagtugon sa iyong reklamo sa serbisyo, maaari mong ihain ang iyong reklamo sa Independiyenteng Tagatasa (Independent Assessor). 

Ang Independent Assessor ay itinalaga ng AFCA Board upang walang kinikilingan na mag-imbestiga sa mga reklamo tungkol sa aming serbisyo.

Ang Independiyenteng Tagatasa (Independent Assessor)

Para magbigay sa amin ng iyong feedback (mga papuri, mungkahi o reklamo) tungkol sa aming serbisyo, Mangyaring punan ang form sa feedback (PDF na form sa feedback).

Sorry, we’re currently offline.

Would you like to end your chat with AFCA?

Please bear in mind that your conversation will not be saved.

AFCA chat service terms and conditions

Welcome to our live chat help service.

Please be advised we cannot provide you with financial or legal advice. However, we may be able to refer you to a community legal centre or financial counselling service if you need help.

Our live chat is operated by Genesys Cloud on behalf of AFCA. Any personal information provided in this chat will be captured by both organisations in accordance with their privacy policies, available at www.afca.org.au/privacy and www.genesys.com/company/legal/privacy-policy

Offline

We provide consumers and small businesses with fair, free and independent dispute resolution for financial complaints.

Please enter your details to start your chat with an AFCA representative.

Please enter your name
Please enter a valid email address
Please enter a valid phone number

We provide consumers and small businesses with fair, free and independent dispute resolution for financial complaints.

Welcome to our live chat help service.

An agent should be with you shortly.